Lunes, Disyembre 5, 2011

NDE NA PWEDE MA-LATE

Ipapatupad na daw yung "Zero Late Policy".. Wew
Bawal na ma-late. Pag di ka nakaattend ng 1st subject ligwak ka na!
Hinde ka na pwede umattend ng iba pang subjects the whole day...
Ibig sabihin absent ka na!!

Hay naku..
Hindi na akong pwedeng matulog magdamag at sumigaw ng "Mama, Sandali na lng.. Tatapusin ko lang yung panaginip ko!".
Hindi na pwedeng matulog sa CR ng isang oras. Hindi na rin ako pwedeng tumingin sa salamin ng matagal.
At hindi na rin ako pwedeng tumulala at mag isip ng ideas habang nakatuntong sa inidoro.

Ang hirap bwiset.. Di bale, sa school na lang ako matutulog...

Huwebes, Oktubre 27, 2011

ANG DAYA DAYA MO!!!!!!

NAKAKAINIS..

MAY LAKAD KAMI SA SABADO PERO HINDI NATULOY DAHIL NASIRA UNG SASAKYAN..PERO SABI NYA...SA HUWEBES DAW.. OCTOBER 27 DAW..
TANGINA..
MAGHAPON AKONG NAGHINTAY...
WALANG DUMATING!!!
HINDI MAN LANG NAGTEXT O KAYA NAG MESSAGE SA FB..
BASTA GANUN NA LNG..
GINAWA AKONG TANGA..

BWISEEETT!!!

MAY CONVENTION SA SABADO EH..

ILANG ARAW DIN AKONG NAGHINTAY..

ISA PA TONG SI LABO..
TANGINA ANG LABO LABO TALAGA..
SABI KAGABI PUPUNTA..
TAPOS LATE NAMAN DUMATING..
MAY GINAWA LANG ..TAPOS UMALIS AGAD..HINDI MAN LANG AKO NIYAYA.

MAS GUSTO PA SUMAMA SA MGA KAIBIGAN NYA..
KASI NGA BAKLA!!


WALA LANG..
NAGBUHOS LANG NG SAMA NG LOOB..

Martes, Oktubre 25, 2011

BAKIT GANUN?

BAKIT GANUN?
KAPAG GABI... ANG DAMING IDEAS ANG NASA ISIP..
GUSTONG GUSTO MO ISULAT TAPOS BIGLA KANG AANTUKIN..
PAG GISING MO HINDI MO NA MAALALA..
BAKIT GANUN?
KUNG KAILAN GA-GRADUATE KA NA..TSAKA MO LANG MARE-REALIZE NA MASAYA PALA SA SCHOOL.. ANG SARAP PALA MAG ARAL KASAMA NG MGA KAIBIGAN,,
BAKIT GANUN?
KUNG KAILAN KA PA NASAKTAN..DUN MO PA MALALAMAN KUNG SINO YUNG TOTOONG NAGMAMAHAL SAYO..
BAKIT GANUN?
SA SIMPLENG BAGAY NAG TATAMPO KA.. KAPAG COMPLICATED NA PARANG WALA KA NG PAKIALAM.. GANUN KA BA? KASI GANUN AKO EH
BAKIT GANUN?
UNFAIR ANG BUHAY.. MINSAN FEELING MO DINADAYA KA..FEELING MO LAGI KA NA LANG NASA IBABA..KASI TIGNAN MO MUNA YUNG NASA TAAS..SA TINGIN MO.. MAS DESERVING KA BA SA KANYA? KUNG HINDI...GUMAWA KA NA LNG NG PARAAN PARA MAS MATAASAN MO SYA..PERO HINDI MO SYA DAPAT HILAHIN PABABA.. BAD YUN..
MALAY MO SI GOD NA PLA UNG HINIHILA MO.. NASA TAAS KA NA PLA...TAPOS NAGING GREEDY KA PA..WAG GANUN MEN!!
BAKIT GANUN?
LAGI NILANG TINATANONG KUNG BAKIT AKO NAKA CAPS..
ISA LANG NAMAN YUNG SINASABI KO...
TO UNLEASH THE MOTHER fU***NG FURY
TAPOS TATANUNGIN KUNG KAILAN MA-EEXPIRE.. (ANU TO..LOAD??)
BAKIT GANUN?
LAGI KA NA LNG DINA-DOWN NG IBANG TAO..NAKAKAINIS DIBA?
TAPOS FEELING PA NILA NA TAMA YUNG SINASABI NILA..HINDI MAN LANG HINGIN YUNG SARILI MONG OPINYON...
 ANG SAMA EH..SARAP PATAYIN..
BAKIT GANUN?
KUNG KAILAN KA GUMAGALAW BILANG SARILI MO..TSAKA PA NILA IISIPIN NA NAG REREBELDE KA..
WE HAVE OUR OWN UNIQUE WAYS.. AT HINDI BASEHAN YON PARA I JUDGE ANG ISANG TAO...    DAHIL BA SA PANANAMIT? PANANALITA? PAG GALAW? GENRE NG MUSIC? KULAY? PUTANGINA..RACISM YAN..PUTANGINA!!!
ANU NAMAN KUNG METAL? ANU NAMAN KUNG KAYUMANGGI .. ANU NAMAN KUNG BOYISH..
HAY SHET...BWISET..
BAKIT GANUN?
WE HAVE OUR OWN WAYS TO EXPRESS OURSELVES..TAMA UN..PERO SANA WAG SUMOBRA.. WAG NAMAN SANA NA NAKAKAAPEKTO NG NEGATIBO SA KAPWA..
BAKIT GANUN?
PAG MAINIT ULO KO.. ANG TANONG KO LAGI BAKIT GANUN?

Lunes, Oktubre 24, 2011

ARTICLE no.3


 “Highschool”, as in, “Hi School”. Ito ang bati ng mga first year taon-taon. Masaya nga ba, o malungkot na pagbati? Masaya? Sapagkat isa na naman itong “adventure” na makadaragdag sa isa na naming panibagong pahina ng buhay. Malungkot? Dahil ito rin ang panahon upang iwan ang mga gawaing nakagisnan, tulad ng paglalaro at pagkuku Ngunit hindi pa rin ito maiwan ng ilan. Naghahabulan, naglalaro ng sipa at iba pa. Kumbaga nasa “adjusting stage” pa lang sila. Bakit hindi na lang natin ibalik ang ilang mga pahina ng buhay, kung saan tayo’y mga musmos pa lamang at ang taning nasa isip natin ay maglaro, upang tayo ay makapagpaalam ng maayos at matiwasay sa ating masayang pagkabata.

Anu- ano nga ba ang mga bagay na ating ginagawa ng mga panahong tayo’y wala pang pakialam sa mundo ?... Maglaro, maglaro sa labas, maglaro sa bahay at maglaro. Kung sakali man na hindi tayo naglalaro, tayo’y natutulog, kumakain o di kaya’y inuutusang bumili. Wala pa sa isip natin ang pagtulong sa gawaing-bahay. Ngunit ano nga ba ang mga nilalaro natin noon?

Habulan, “Sili, sili maanghang. Tubig, tubig malamig”. Naalala mo pa ba ito? Ang larong nakakapagod , maghapong habulan at walang ayawan., ang umayaw, kotong!. Pagkatapos ay magta-time-out ka para umihi, ngunit ang totoo’y din ka na babalik. Taguan, madalas itong laruin sa gabi. Aabutin ka ng alas-dose ngunit hindi mo pa rin nakikita ang iyong mga kalaro, yun pala’y sila ay nagsiuwian na at natutulog na sa oras na iyon. Luksong-Tinik at Luksong-Baka, ito nama’y pataasan ng talon, at ang katawan ng taya ay tatayo bilang suporta ng iyong katawan. Tanging mga kamay mo lamang ang dapat na dumikit salikod ng taya. Marami na rin ang napilayan dahil sa larong ito.Tumbang Preso, ang pinakamaingay na laro , kung saan kayo’y mapapagalitan dahil sa hiyawan kapag tinatamaan ang s’ya namang sa bahay n’yo. matunog na lata. Ang larong ito ang dahilan kung baki laging ”missing in action” ang lahat ng Rambo at Islander na tsinelas sa bahay n’yo. Holen ,Teks , Pogs, Paper Dolls at iba pang seasonal na laro. Ito yung panahon na uso ang mga larong ito at inuubos mo ang baon mo para lang ipambili at ilaban sa mga kaibigan mo. Tapos pag malapit na malaos ay ipapaagaw mo, ang masakit n’yan, pwede kang tamaan ng holen sa ulo. Bahay-bahayan, dito nagsisimula ang love team sa mga magkakaibigan. Goma, kasama na rin dito ang Chinese Garter . Ito yung panahong umaarangkada ang mga batang babae sa labas at nagtatalunan. Napakaraming laro ang ating naranasan noon na maaari na pa naman nating laruin subalit hindi na rin maganda tignan.

Sa mga larong ito, hindi maiiwasan nag dayaan, pikunan at iyakan, dahil ang mga ito ay parte na ng laro. Bago natin sambitin ang matamis na pamamaalam sa ating pagkabata, sana’y maalaala pa rin natin ang mga ito habang-buhay, dahil dito nagmula ang ating pagkatao.

Biyernes, Oktubre 21, 2011

WEWEWEWEWEW....ARTICLE NO.2


Namilosopo ka na ba? “Bakit ka narito?”, tanong ng bata sa kanyang kaibigan. “Kasi wala ako dun eh”, sagot nito. Ito’y halimbawa pa lamang sa napakaraming pamimilosopo sa loob ng isang araw. Ang pamimilosopo ay bahagi na ng buhay ng tao, lalo na sa mga Pilipino. Ang mga simpleng sitwasyon ay ginagawang kawili-wili at katawa- tawa.

Namimilosopo ka ba? “Pabili nga po ng yelo”, sigaw ng bata sa tapat ng isang gate. “Ano? Yelo?”, tanong ng tindera. ”Ay, hindi po ate. Kahoy po. Kahoy”. Hindi na ito mawawala sa ating buhay. Nakagawian na natin itong gawin at sadyang laganap na ito, lalo na sa mga kabataan. Nakakawala ng stress ang ganitong mga biruan, nakakatuwa , nagbibigay sigla at nakawawala ng inis.

Pinipilosopo mo ba sila? “Pedro, solve this problem on the board”, utos ng teacher. “Hala Mam! Sariling problema ko nga hindi ko kayang lutasin eh, yan pa kaya?”. Hindi naman siguro masama ang pagbibiro sa guro, subalit hindi sya dapat na masaktan o mapahiya. Ginawa ang mga biro upang magpasaya, ngunit nakalulungkot isipin na minsa’y sumusobra na at nakaaapak pa sa pagkatao ng iba.

Mamimilosopo ka pa? Katalinuhan? Ang pagiging pilosopo ba ay tanda nito? Kilala mo ba si Pilosopong Tasyo? Siya ay tinawag na pilosopo dahil sa kanyang katalinuhan, hindi dahil sa pagbibiro ngunit sa taglay niyang galing sa pagmememorya at pagsasalita.

Pipilosopohin mo pa ba sila? Kabastusan? Ito na nga ba ang kinatatakutan ng mga matatanda? Ang kawalan ng respeto, ang kawalan ng pagtitimpi, paglabag sa karapatan ng iba. Kailangan ba talaga nating saktan ang ibang tao para lang sumaya ang sarili? Mawawalan din ng kwenta ang iyong mga biro kung ito ay nakasasakit sa damdamin.

Pilosopo ka ba? Tanda man ito ng katalinuhan o kabastusan, ang pamimilosopo ay dapat natin ilagay sa tamang lugar nang sa gayon tayo ay hindi mag-away at magkasakitan.

Miyerkules, Oktubre 19, 2011

PARA SA ARTICLE KO..WEW

             “Dali! Garena , Philippine DotA Room 62, sali ka sakin.”. Ito  ay isang halimbawa ng usapan sa isang computer shop. Kabataan ang kadalasang naglalaro ng DotA, mga estudyante at iba pa. Kadalasan ang mga estudyante ay naka-uniporme pa habang naglalaro. IDate, Crazy Cart, Go Cart, Ran Online, Audition, O2Jam, BandMaster, Dragon Nest at di nga mawawala ang DotA at Crossfire na sadyang kinaaadikan ng lahat.
                    Mga  lalaki ang kadalasang naglalaro ng mga ito at di nila alintana ang maghapong pagbababad at pagliban sa klase basta’t makahawak lamang ng keyboard at mouse habang nakatingin sa monitor. Kasama na rin dito ang Facebook, Twitter, Youtube at iba pang social networking sites.

                    DotA, ito ang larong kadalasang makikita mo sa screen ng kompyuter kapag pumasok ka sa isang computer shop. Patayan, siraan ng tower, kasama na rin ang murahan at asaran na tinatawag na trashtalk kung saan natututo ang mga manlalaro ng kabastusan. Bayolente din ang larong ito. Sa Crossfire naman ay barilan, mayroon ding saksakan at pagtatanim ng bomba na s’ya namang nagtuturo ng  terorismo. Tulad ng DotA, ito ay laro ng karahasan. Mga social networking sites, tulad ng Facebook, Twitter, MySpace, Flickr, Tumblr, Blogspot at ang pinakabago, ang Google+. Walang tigil na status updates, uploads ng mga larawan, pagdaragdag ng kaibigan at walang humpay na mga komento.
 
                     Ano nga ba talaga ang mga negatibong dulot nito? Para sa mga estudyante, pagliban at pag-cut ng clase, pagkapuyat, kawalan ng gana sa pag aaral, laging wala sa sarili, paggaya sa karahasan ng kanilang nilalaro at pagbabago sa timbang.

                       Hindi naman talaga natin maiiwasan ang paggamit ng kompyuter lalo na ngayon na tayo ay nasa sekondarya na ng ating pag aaral. Kailangan natin i-type at i-print ang ating mga project, i-search ang ating mga assignment at maglaro na rin ng mga online games. Hindi natin masisisi ang kabataan sa paggamit ng makabagong teknolohiya. Ito ang kanilang paraan ng paglilibang, ngunit hindi dapat nila ito abusuhin sapagkat ito ay mayroong masamang dulot sa mental at pisikal na salik ng ating pagkatao.

WEW..

Huwebes, Oktubre 13, 2011

Writer's Block

Dumadating talaga yan sa buhay ng isang manunulat..

Walang maisip na isulat.

Walang mailabas na idea..


Hindi mawawala yan.. 


WEW..

POTANESS..

ETO N NGA UNG NANGYAYARI SAKIN.

TANG INANG UTAK TO..

PAG GABI ANG DAMING IDEAS..

PAG NAKAHAWAK NA SA PAPEL, BALLPEN, LAPIS, KEYBOARD.. HAY NAKU..
NAWAWALA BIGLA TAPOS HINDI KO NA MAALALA...

WEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEW.

PERO MINSAN MERON TALAGA AKONG NAIISIP..
TINATAMAD LANG AKO MAGSULAT..